-- Advertisements --

Nilinaw ng Philippine National Police (PNP) na walang presensya ng Islamic State terrorists (ISIS) sa Bulacan.

Ito ay kasunod ng kumalat na intel alert memo hinggil sa pagpunta umano ng mga terorista sa naturang lalawigan.

Pinuna ni PNP chief police Gen. Oscar Albayalde matapos kumalat sa social media ang isang ulat mula sa tanggapan ni Bulacan Provincial Police director police Col. Chito Bersaluna.

Ayon sa opisyal iniimbestigahan na nila ang nasabing ulat.

“That is already being investigated. I texted kung ano kasi ang specific. It was not signed,lumalabas yan coming supposedly from PD Bulacan. So probably yung PD ginawa niya yung dapat na warningan sa lahat ng stations under him,” paliwanag ni Gen. Albayalde.

Panawagan naman ng PNP chief sa publiko, huwag basta-basta maniwala sa mga nakikita sa social media lalo’t naglipana ngayon ang fake news.

Ma mainam pa rindaw na usisain munang maigi ang pinagmulan ng impormasyon.

“We want to assure the public na talagang ginagawa lahat ng ating government forces para maiwasan yung tinatawag na spillover. These are all isolated.”