Nilinaw ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang Pilipinong nasaktan mula sa 6.8-magnitude na lindol na tumama kamakailan sa bansang Chile.
Kinumpirma ni Ambassador to Chile Ma. Teresita Daza ang ulat matapos ang mahigpit na monitoring ng mga otoridad at opisyal ng naturang bansa.
“Ambassador to Chile Ma. Teresita C. Daza confirmed that no Filipino was directly affected by the earthquake, following a monitoring activity it has conducted with leaders and coordinators of Filipino communities to ascertain the safety and welfare of overseas Filipinos in Chile,” ayon sa DFA.
Tiniyak ng Philippine Embassy na tututukan nila ang pagbabantay sa sitwasyon ng mga Pilipino roon.
Batay sa datos ng DFA, nasa 860 ang kabuuang bilang ng Pinoy migrants sa Chile.