-- Advertisements --
Bureau of Immigration

Wala umanong karagdagang travel restrictions o revised guidelines sa international travel sa kabila ng pagpapatupad ng modified enhanced community quarantine (MECQ) dito sa Metro Manila at iba pang area sa bansa.

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, ang existing travel restriction daw ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang gagamitin maliban na lamang kapag maglalabas ang IATF ng bagong guidelines.

Sa ilalim ng MECQ, ang mga domestic flights ay suspendido.

Ang mga international flights naman ay magpapatuloy sa Manila, Cebu at Clark airport.

Inabisuhan naman ni Morente ang publiko na laging maging updated sa mga international travel guidelines na ipinatutupad ng BI.

Ito ay sa pamamagitan ng pagbisita sa kanilang website na www.immigration.gov.ph at iba pang social media accounts gaya ng www.facebook.com/immigration.helpline.ph at www.facebook.com/officialbureauofimmigration.

Dagdag ni Morente, naglabas ito ng statement dahil pa rin sa pagbuhos ng mga tawag at queries sa publiko matapos isalim sa MECQ.