-- Advertisements --

Walang napaulat na pinsala sa mga pangunahing linya ng tren at paliparan base na rin sa isinagawang visual inspections matapos tumama ang magnitude 5.9 na lindol sa Occidental Mindoro at iba pang parte ng Luzon kabilang ang Metro Manila.

Sa kabila pa ng pansamantalang pagtigil sa mga operasyon ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3), Light Rail Transit Lines 1 at 2 (LRT-1 and LRT-2) at Philippine National Railways (PNR).

Patuloy naman ang safety inspection sa mga pasilidad sa mga linya ng tren upang matiyak ang kaligtasan ng lahat ng kawani at mga pasahero.

Ibinalik din ang operasyon dakong alas-5 ng hapon ang mga operasyon sa nasabing mga linya ng tren.

Agad ding nagsagawa ang engineering at operations teams ng Manila International Airport Authority (MIAA) ng inspeksiyon sa Ninoy Aquino International Airport’s (Naia) airside at terminal facilities matapos ang lindol.

Wala ding inaasahang anumang significant effect sa flight operations.