-- Advertisements --
teves

Kinumpirma ng Commission on Elections (Comelec) na walang mga kandidato na naghain ng Certificate of Candidacy sa unang araw ng filing para sa special election sa Disyembre 9 para punan ang nabakanteng posisyon ni dating Negros Oriental 3rd district representative Arnolfo Teves Jr.

Ayon kay Comelec spokesperson Rex Laudiangco, posibleng palawigin pa ang COC filing hanggang sa November 11 mula sa na inisyal na itinakdang November 6 hanggang 8 kung kinakailangan.

May mga lumulutang din na posibleng tatakbo sa congressional seat ang biyuda ng napaslang na Negros Oriental Gov. na si Pamplona Mayor Janice Degamo.

Maalala na pinatalsik si Cong. Teves mula sa Kamara dahil sa pagabandona sa kaniyang tungkulin bunsod ng mahabang paliban nito sa trabaho at sa hindi kanais-nais na behavior na ipinakita umano nito sa social media. Idineklara din ng Anti-Terrorism Council ang dating mambabatas bilang terorista.

Ang dating kongresista din ang itinuturing utak sa likod ng pagpaslang kay dating Negros Oriental Gov. Roel Degamo at 9 na iba pang indibidwal sa bayan ng Pamplona noong nakalipas na Marso 4 ng kasalukuyang taon.