Sa kabilang ng mga karahasang naitala sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), wala umanong nangyaring failure of elections sa naturang lugar.
Ayon sa tagapagsalita ng BARMM at local government Minister Naguib Sinarimbo, masasabi pa ring genrally peacefull ang naging halalan sa BARMM.
Aniya, may mga karahasang nangyari ngunit kumpara sa kabuuang bilang ng mga elected positions sa naturang halalan, napakababa lamang nito.
Dagdag pa ni Sinarimbo, mayroong kabuuang 2,592 na brgy ang BARMM kung saan kalahati sa mga ito ay uncontested o walang kalaban ang mga tumakbong kandidato.
Para sa mga Brgy na may kalaban ang mga kandidato, nagawa umano ang maayos na pagpili ng mga uupong opisyal ng mga Brgy.
Sa kasalukuyan, halos lahat ngmga nanalo sa BARMM ay naiproklama na, habang ang ang iba ay hinihintay na lamang ang opisyal na proklamasyon.
Maalalang bago nito ay sinabi ng PNP na mayroong hanggang 10 indibidwal ang namatay sa mga nangyaring karahasan sa BARMM habang tatlong paaralan pa ang unang napaulat na nasunog bago pa man magsimula nag halalan noong araw ng Lunes.
Sa bahagi ng Basilan, anim na katao, kabilang ang isang Brgy Captain ay namatay dahil sa pamamaril at pananaga.
Sa bahagi ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte, dalawang katao ang binaril habang limang iba pa ang sugatan.
Sa Butig, Lanao Del Sur, pinatay ng isang kandidato ang kanyang kapatid na siya ring kalaban niya s apagka-kapitan.
Sa Lanao Del Norte, isang babae ang nabaril matapos magpalitan ng putok ang suporter ng dalawang tumatakbong kapitan.
Habang bago nagsimula ang 7AM na botohan noong Lunes, nasunog ang mga paaralan sa Datu Odin Sinsuat, Narita, Maguindanao del Norte, Poona Piagapo in Lanao del Norte.