Muling naglabas ng update ang Bureau of Immigration (BI) kaugnay sa una nilang report na wala pang nakalabas sa bansa na inmate na nakinabang sa good conduct time allowance (GCTA) Law.
Ayon kay Department of Justice (DoJ) Usec. at Spokesman Markk Perete, base sa data check na kakukumpleto ng BI, wala pang nakalabas sa bansa na mga persons deprived of liberty (PDLs).
Sa report ng BI, wala sa kanilang database ang mga pangalan ng inmate na ibinigay sa kanila ng Bureau of Corrections (BuCor).
“Based on the data check recently completed by the Bureau of Immigration, none of the names in the list of prematurely released PDLs issued by BuCor appear in the database of passengers who have recorded departures,” ani Perete.
Maalalang nagdulot ng kalituhan ang pahayag ng BI at Department of Interior and Local Government (DILG) sa naturang isyu.
Base kasi sa inilabas na report ng DILG, may mga nakalaya ng bilanggo na nakinabang sa GCTA ang nakalabas sa bansa.