-- Advertisements --

Ibinunyag ng Belarusian defense ministry na sinasanay ng Wagner mercenary group ang kanilang sundalo sa kanilang bansa.

Naglabas ito ng video kung saan makikita ang Wagner Group fighters na tinuturuan ang mga sundalo ng Belarus sa Asipovichy.

Magugunitang namagitan si Belarusian President Alexander Lukashenko para matapos na ang pag-aklas ng Wagner group noong Hunyo 23-24 sa Rostov-on-don City.

Sa nasabing kasunduan ay pumayag si Wagner chief Yevgeny Prigozhin na lumayas ang mga sundalo nito sa Russia at magtungo sila sa Belarus basta hindi na sila kasuhan.

Mula noon ay hindi na nakita pa sa publiko ang Wagner group leader subalit noong nakaraang linggo ay nakipagpulong na rin ito kay Russian President Vladimir Putin.