Nilinaw ng Russian mercenary leader Yevgeny Prigozhin na ang ginawa nilang isang araw na rebellion ay hindi para patalsikin ang gobyerno.
Iginiit ng Wagner group leader na nais lamang nilang magprotesta sa hindi pagiging epektibo umano ang ginawang paglusob ng Russia sa Ukraine.
Patuloy nitong ipinagmamalaki na ang Wagner ay siyang epektibong puwersa ng Russia at maging sa buong mundo.
Patunay aniya ang pagiging mahina ng mga sundalo ng Russia ay noong makubkob nila ang Rostov-on-Don City ng walang dugong dumanak at ito ay may layong 200 kilometro sa Moscow.
Inakusahan nito ang Russian military na sila ang may kagagawan ng pag-atake sa kampo nila gamit ang mga missiles at helicopters na nagresulta sa pagkasawi sa mahigit 30 miyembro nila.
Sa panig naman ni Russian President Vladimir Putin na tiniyak nito na ang anumang tangkang paglusob o rebelyon.
Pagtitiyak pa ni Putin na nananatili pa ring tapat ang kaniyang mga sundalo.