LEGAZPI CITY – Nagpalabas ng bagong guidelines ang National Meat Inspection Service (NMIS)-Bicol kaugnay sa online selling ng mga meat products sa gitna ng community quarantine.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay NMIS Bicol director Dr. Alex Templonuevo, ito ay upang matiyak na dumadaan sa tamang proseso ang mga karneng ipinagbibili sa internet.
Mayroon aniya kasing mga processed meat, local produced meat at imported meat na ipinagbibili online na walang kasiguruhan kung ligtas itong kainin ng mga mamimili at hindi kontaminado ng bakterya.
Kasabay ng nasabing hakbang ang pagbabantay ng mga otoridad sa pagkontrol ng pagkalat ng African swine fever.
Nanawagan din ito sa mga lokal na pamahalaan na makipagtulungan sa pagbabantay at pagmonitor sa online selling ng mga pagkaing produkto.