-- Advertisements --

Sakaling magkaroon na ng bakuna laban sa virus ng COVID-19, mananatiling prayoridad daw sa bibigyan nito ang mga kasali sa tinatawag na “vulnerable sector.”

Ito ang sinabi ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire sa isang online media forum, kung saan binigyang diin din nito na laging uunahin ng gobyerno ang mga nasabing sektor.

“We always prioritize and the vulnerable group of people, lalung-lalo na base sa ebidensya, kung sasabihin na ito ay makakapagbigay ng benepisyo para sa ating gobyerno or sa population with these groups that are to be identified as vulnerable, yun ang uunahin natin,” ani Usec. Vergeire.

Nilinaw ng opisyal na maaambunan pa rin naman ng bakuna kahit hindi kasali naturang grupo.

“If we have enough resources, of course we would like to give it to everybody. Pero kung saka-sakali, at alam naman natin expectedly na baka hindi ganun kadami ang makuha natin sa pauna na pagbibigay ng bakunang ito, kailangan natin mag-prioritize.”

Kinikilala ng DOH bilang vulnerable sector ang mga senior citizen, kritikal ang pagbubuntis, at mga may iniindang iba pang sakit.