-- Advertisements --

Tatayong coach ng Gilas Pilipinas para sa third window ng 2023 FIBA World Cup Asian Qualifiers si Nenad Vucinic .

Sinabi ni Gilias Pilipinas team manager Butch Antonio na si Vucinic ay naging assistant ni head coach Chot Reyes mula pa noong Pebrero.

Si Vucinic na dating nationa head coach ng New Zealand ay siyang mangunguna kapag makaharap ng Gilas Pilipinas ang dati nitong koponan sa Huyo 30 sa Auckland bago ang pagharap nil asa India sa Hulyo 3 sa Mall of Asia Arena.

Naging coaching staff din si Vucinic ng Meralco Bolts ng PBA.

Ang Pilipinas kasi ay mayroong 1-1 record sa Group A ng qualifiers na nakuha nila ang panalo laban sa India 88-64 habang natalo sa New Zealand 63-88 noong Pebrero.

Dumating sa bansa ang 57-anyos na si Vucinic noong Pebrero na itinalagang assistant coach ni Reyes bago naging coaching staff ni Norman Black sa Bolts.