Dismayado ang tagapagsalita ni Vice President Leni Robredo sa inihatid na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Lunes.
It's as if this speech was written before Covid-19 turned our world upside down, & the writers just said "f*ck it, no changes." Pre-lockdown economic projections, laws passed 2 years ago, and DRUGS AGAIN? That's really what he's giving us? Parang walang pandemic ah. #SOanoNA
— Barry Gutierrez (@barrygutierrez3) July 27, 2020
Sa isang online post, pinuna ni Atty. Barry Gutierrez ang tila hilaw na talumpati ng presidente. Hindi raw kasi nabanggit sa ulat bayan ni Duterte ang COVID-19.
“It’s as if this speech was written before Covid-19 turned our world upside down, & the writers just said “f*ck it, no changes’,” ani Gutierrez.
Pinuna ng Vice presidential spokesperson ang ini-report na mga batas na dati pa napirmahan at economic projections na naka-base sa sitwasyon ng bansa bago pumutok ang outbreak ng sakit.
Pati na ang muli na namang pagbanggit ni Duterte sa issue ng illegal drugs.
“That’s really what he’s giving us? Parang walang pandemic ah.”
Ilan sa malalaking punto ng SONA speech ni Duterte kahapon ang pagbatikos kay Sen. Franklin Drilon, mga Lopezes, banta sa telecommunication companies, at panawagang ibalik ang death penalty.
Hindi dumalo ng personal si Robredo sa Batasang Pambansa, dahil sa online teleconference lang daw siya pinadalhan ng imbitasyon.