-- Advertisements --

Nagpaabot ng pakikiramay si Vice President Sara Duterte-Carpio sa mga kaanak ng pumanaw na si Philippine sprint queen Lydia de Vega.

Sa inilabas na pahayag ni Atty. Reynold Munsayac ang tagapagasalita ng Bise Presidente, na ipinaabot nito ang pagdarasal at pakikidalamhati ni Duterte-Carpio sa pamilya ni de Vega.

Nakasaad pa dito na naging inspirasyon si de Vega sa mga kabataan para makamit ang kailang pangarap sa palakasan.

Isang halimbawa umano si de Vega na tunay na nagmahal sa bansa.

Mananatili umanong buhay sa bansa ang naging pamana ni de Vega sa larangan ng palakasan.

Magugunitang pumanaw si de Vega noong Agosto 10 dahil sa breast cancer.