Sa pagdiriwang ng Mother’s Day, inihayag ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang kaniyang pagkilala at pasasalamat para sa pagmamahal at sakripisyo ng mga kapwa niya ina, na aniya’y may mahalagang papel sa pagtataguyod ng mas matibay na komunidad.
Binigyang diin ng bise presidente na ang mga ina ay nagbibigay-inspirasyon sa lahat araw-araw dahil sa kanilang pagmamahal, karunungan, at dedikasyon, pati na rin ang kanilang mga sakripisyo, para alagaan ang kanilang mga pamilya.
Ani Duterte, “sa lahat ng inang nagsusumikap mapabuti ang kalagayan ng kanilang pamilya—sa loob man o sa labas ng bansa, sa sariling tahanan man o sa kani-kaniyang propesyon—hindi po masusukat ang inyong napakahalagang papel sa pagbuo ng matatag na sambayanang aakay sa atin patungo sa mas maunlad na kinabukasan.”
Kaisa umano siya ng mga ina sa panalangin na magbunga ang mga taos-pusong pagpupunyagi para sa ikabubuti ng mga anak, mga komunidad, at bansa.
“To all the mothers out there, thank you for your love, wisdom and dedication. You inspire us to make a difference every single day. “