-- Advertisements --

Nagbigay pugay din si Vice President Sara Duterte kasabay ng ika-127 anibersaryo ng kamatayan ng ating pambangsang bayani na si Dr. Jose Rizal.

Sa isang statement, sinabi ni VP Sara na ang ating pambansang bayani ay patuloy na nagiging gabay ng lahat ng Pilipino at inspirasyon sa mga kabataan.

Saad pa ng ikalawang pangulo na ang legasiya ni Rizal ay nagsisilbing gabay na liwanag para sa lahat ng Pilipino. Ang kanyang hindi natitinag na pagmamahal sa ating bansa, ang kanyang maalab na pagnanais para sa kalayaan, at ang kanyang pangako sa katarungan ay lubos na nagreresonate sa atin.

Pinaalalahanan din ni VP Sara ang mga Pilipino sa kanilang tungkulin upang itaguyod ang mga values ni Rizal at magtrabaho nang walang kapaguran para sa mga karapatan at dignidad ng mga marginalized at underrepresented.

Hinimok din ni VP Sara na tumatayo din bilang Education Sec. ang mga kabataan na sundin ang passion ni Rizal na magkaroon ng kadunungan.

Hinikayat din ni VP Sara ang mga Pilipino na huwag ikulong sa mga aklat ng kasaysayan ang pamana ng ating pambansang bayani.

Ang buhay aniya ni Rizal ay isang testamento sa kapangyarihan ng katapangan sa pagharap ng mga dagok sa buhay.