Tinawag ni House committee on appropriations chairman si Vice President Sara Duterte na mambubudol kaugnay ng alegasyon nito na siya at si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang may kontrol ng pambansang pondo.
Ayon kay Co, nasa higit 300 miyembro ng Kamara at 24 na senador ang nagdedesisyon sa taunang pondo ng bayan.
Mayroon din aniyang bicameral conference committee na binubuo ng miyembro ng Kamara at mga senador na pa-plantsa sa magkaibang bersyon ng panukalang pambansang pondo na inaprubahan ng Kamara at Senado.
Hindi dinaluhan ni Vice President Duterte ang ikalawang pagdinig ng Appropriations committee sa panukalang badyet ng Office of the Vice President para sa 2025 na nagkakahalaga ng P2.037 bilyon.
Sa halip nagpadala si Duterte ng liham kay Speaker Romualdez at Co kung saan kanyang sinabi na naisumite na ng kanyang tanggapan ang lahat ng dokumentong kailangan para suportahan ang kanyang panukalang badyet.
Nang matanong sa umano’y korapsyon ng bise presidente, tugon ni Co na common knowledge na po ito dahil Kahit sa Davao tahimik lang dahil may umiiral na secret martial law sa Davao.
Suportado naman aniya ito ng mga ulat at pagsusuri ng Commission on Audit.
Hiniling ng Kamara ang audit report dahil na rin sa humihingi ng mas mataas na pondo ang bise presidente.