Lumabag sa tuntunin at tradisyon si Vice President Sara Duterte at tumangging manumpa para magsabi ng katotohanan ng dumalo ito sa pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability hinggil sa maling paggamit ng milyun milyong pondo ng kaniyang opisina para sa socio-economic programs nito.
Hiniling kasi ng Committee Chairman na si Manila 3rd Rep. Joel Chua na panumpain ang lahat ng mga inimbitahang resource persons mula sa office of the Vice President, Department of Budget and Management at Commission on Audit.
Sa panig ni VP Sara nilabag nito ang rules ng Komite dahil siya ay isang resource persons at tanging mga testigo lamang ang manunumpa.
Iginiit ni Chua na tradisyon at practice na sa mga isinasagawang pagdinig na panumpain ang mga testigo kasama ang mga resource persons.
Suportado naman ni dating Pangulo at Pampanga Representative Gloria Macapagal Arroyo ang paninindigan ni VP Sara na hindi manumpa.
Inihalimbawa pa ni Arroyo ang Supreme Court ruling at Senate precedent kung saan ang isang testigo ay binibigyan ng proteksiyon kumpara sa resource person.
Nilinaw naman ni Bukidnon Rep. Keith Flores na wala pang inimbitahang indibidwal sa pagdinig na maituturing ng akusado.
Sa pahayag ni VP Sara, kaniyang sinabi na ang pagdinig ay bahagi ng isang planadong pag atake laban sa kaniya.