-- Advertisements --
Walang plano si VP Sara Duterte na maghain ng kaso laban kay dating Davao Senior Police Officer Arturo “Arthur” Lascañas na nag-akusa sa kaniya na nasa likod umano ng Oplan Tokhang s Davao city.
Muling hinamon ni Duterte ang sinuman na nagdadawit sa kaniyang pangalan sa drug war killings na magsampa ng kasong murder laban sa kaniya.
Una na kasing ibinunyag ni Lascanas sa media na umano’y miyembro ng orihinal na Davao Death Squad na nagsagawa ng mga pagapatay.
Sinabi din nito na nagsumite na siya ng 186 pahinang affidavit sa ICC na naglalaman ng impormasyon sa uimano’y mga pagpatay na ipinagutos ni dating PRRD at ang pagkakasangkot umano ni VP Sara sa extrajudicial killings sa Davao city.