Nagbigay-pugay si Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa yumaong Senador na si Miriam Defensor-Santiago, sa paglunsad ng street sign na Senator Miriam P. Defensor-Santiago Avenue sa Quezon City.
Pinalitan nito ang dating kalsada na Agham and BIR roads.
Ayon sa talumpati ng bise presidente, tunay na inspirasyon si Senator Miriam Defensor-Santiago. Ang kanyang legasiya aniya ay patuloy na magbibigay ng inspirasyon sa mga susunod na henerasyon.
Kasama ni VP Sara sa seremonya si Quezon City Mayor Joy Belmonte, QC 1st district Rep. Arjo Atayde, at ang asawa ng dating Senador na si Atty. Jun Santiago.
Binanggit din ni Duterte ang ilang mga achievement ni Santiago kabilang ang first Filipino at first Asian na nahalal sa International Criminal Court; first Filipino commissioner para sa International Development Organization at recipient ng Ramon Magsaysay Award for Government Service noong1988.
Nagpapatunay aniya na ang mga achievement ng dating Senador ay dahil sa kanyang pagsisikap.
Ipinaglaban din aniya ni Santiago ang korapsyon sa bansa.
Ang pagpalit sa dating daan na Agham ang BIR Road sa Senator Miriam P. Defensor-Santiago Avenue ay sa bisa ng Republic Act No. 11936, na naisabatas nitong nakaraang buwan lamang.