-- Advertisements --
image 696

Malamig si VP Sara Duterte sa usapin na muling buksan ang peace talks sa National Democratic Front of the Philippines (NDFP), ang political arm ng Communist Party of the Philippines (CPP) sa gitna ng sagupaan sa pagitan ng mga rebelde at pwersa gobyerno sa Masbate.

Ayon sa Bise-Presidente ang negosasyon sa rebeldeng grupo ay lagi aniyang bigo. Ang nangyaring karahasan sa Masbate ay hindi nakatuon sa pagpapatuloy ng peace talks sa halip ay dapat na nakapokus dito ang pangangailangan ng isang collective effort bilang isang nasyon para maprotektahan ang mga mag-aaral mula sa banta dala ng mga grupong gaya ng NPA.

Ginawa ni Education Secretary at VP Sara ang naturang pahayag bilang tugon sa panawagn ni ACT-Teachers Rep. France Castro para sa pagpapatuloy ng peace talks sa pagitan ng pamahalan at rebeldeng grupo para matugunan ang puno’t dulo ng armed conflict.

Matatandaan na ilang serye ng sagupaan sa pagitan ng militar at komunistang rebelde ang naganap malapit sa mga paaralan sa Masbate na nagdulot ng trauma sa mga magaaral at guro.

Bunsod nito pinaigting pa ang presensiya ng kapulisan sa mga lugar na may armed conflict.