Ibinida nI Vice President Sara Duterte ang diplomatic relationship sa mga bansa sa tulong ng produktibong engagements sa unang isandaang araw sa puwesto.
Sinabi ng ikalawang pangulo ng bansa na naging produktibo ang mga pakikipagpulong niya sa mga ambassador at kinatawan ng mga bansang Australia, Italy, Ireland, Vietnam, Laos, Japan, New Zealand, Thailand, European Union, Qatar, India at Estados Unidos.
Sa unang linggo pa lamang niya sa puwesto ay may mga courtesy call mula sa State Councilor at Foreign Minister ng People’s Republic of China kung saan natalakay ang sektor ng edukasyon at iba pang priority areas sa kooperasyon sa pagitan ng dalawang bansa.
Ilan sa mga tinalakay ay ang papapatibay ng bilateral relations, kultura, teknolohiya at edukasyon.