-- Advertisements --

Aminado si vice president at Education Secretary Sara Duterte na hindi umano maiiwasan ang pagtaas ng bilang COVID-19 infections lalo na at mas niluwagan pa ang pagbubukas ng klase at sa mga establisyemento sa bansa.

Gayunman, nasa kamay pa rin daw ng mga local government units (LGUs) kung paano matutugunan ang mga outbreaks kung sakali sa kanilang mga lugar.

Ayon sa pangalawang pangulo na siya ring DepEd chief, ang mga LGUs ay naatasang magsagawa nang mainam na desisyon dahil sila ang may hawak ng mga data holders.

Una nang nagbalik sa klase ang mga estudyante makalipas ang mahigit na dalawang taon na online classes bunsod ng Covid-19 pandemic.

Sa darating namang November ay ang implementasyon na ng government mandates para sa mga mag-aaral na bumalik na sa in-person classes.