-- Advertisements --
Nagnegatibo na sa COVID-19 si Vice President Leni Robredo.
Sa kaniyang Facebook page, sinabi nito na lumabas na ang pinakahuli niyang RT-PCR test matapos ang kaniyang ika-pitong araw na quarantine period.
Sinabi nito na sa loob ng pitong araw ay hindi ito lumabas at nitong Huwebes ng umaga lamang siya lumabas para makapag-swab test.
Agad naman itong bumalik kaniyang kuwarto matapos ang testing.
Bagamat negatibo na ito sa COVID-19 ay tatapusin niya ang kaniyang 10 araw na quarantine period alinsunod sa ipinapatupad ng Department of Health.
Magugunitang nagpositibo sa COVID-19 ang ikalawang pangulo matapos na ito ay nahawaan sa isa nitong security.