Hindi pa makikipagsabayan ang kampo ni Vice President Leni Robredo sa paglalabas ng plano nito sa 2022 National Elections.
Kasunod na rin ito ng magkakasunod na pagdedeklara ng kanilang presidential bids nina Manila Mayor Isko Moreno, Sen. Manny Pacquiao, Sen. Ping Lacson at vice presidential candidates na sina Senate President Tito Sotto at Pangulong Rodrigo Duterte.
Nabatid na bago pa man nagdeklara sina Robredo, Lacson at Pacquiao ay nakausap na ito ng bise presidente.
Ayon kay Atty. Barry Gutierrez, tagapagsalita ni VP Leni, mag-aanunsyo sa tamang panahon ang pangalawang pangulo kaya’t sana ay hintayin na lang ito ng publiko.’
Sadyang may mga bagay lamang na kailangang timbangin at ikonsidera.
Una nang inihayag ni Robredo na tatakbo siya sa pagka-pangulo ng bansa kung siya ang mapipili ng opposition coalition.
Samantala, inaasahan na ring maglalabas ng kani-kaniyang anunsyo ang iba pang posibleng kandidato na sina dating House Speaker Alan Peter Cayetano, dating Sen. Bongbong Marcos, dating Sen. Antonio Trillanes IV at Sen. Sherwin Gatchalian.