-- Advertisements --

Bukas si Vice President Leni Robredo sa pagsasanib puwersa sa kaniya ng ibang mga kandidato para matiyak ang pagkapanalo ng opposition sa 2022 elections.

Sinabi nito na hindi sila humihinto na nakikipag-usap sa iba’t-ibang grupo.

Mula pa noong hindi pa siya nagpahayag ng intensiyon na tumakbo sa pagkapangulo ay iyon na raw ang kanilang ginagawa.

Reaksyon ito ng bise presidente sa naging pahayag ni presidential aspirant Leody de Guzman na bukas din ito sa pakikipag-alyansa sa ibang kandidato para mahadlangan ang pagkapanalo ng iba.