-- Advertisements --
Negatibo sa coronavirus si US Vice President Mike Pence at asawa nitong si Karen Pence.
Ayon sa tagapagsalita ni Pence na si Devin O’ Malley, na regular na sumasailalim sa COVID-19 test ang pangalawang pangulo.
Naging maganda ang kalusugan ni Pence.
Humiling din si Pence ng mabilisang paggaling ni US President Donald Trump at asawa nitong si Melania.
Magugunitang nagpositibo si Trump at asawa nito na ngayon ay naka-isolate na sila.