-- Advertisements --

Kaisa ng Muslim community sa bansa si Vice President Leni Robredo sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr o pagtatapos ng buwan ng Ramadan.

Sa isang mensahe sinabi ni VP Leni na bagamat limitado pa rin galaw na maaaring gawin ngayon ng publiko dahil sa COVID-19 pandemic, ay manatili sanang matatag ang paniniwala ng mga Muslim sa mga aral ng kanilang Allah.

“Eid’l Fitr, usually a time to celebrate the ties that bind communities as the reaffirm their commitment to the Prophet’s teaching together, must now be spent in smaller groups, or for some, in solitary reflection.”

Kita naman daw kung paano mas nagkaisa at tumatag ang samahan ng Muslim Filipinos sa nagdaang Ramadan kahit nasa gitna ng quarantine ang karamihan.

“We see it in friends reaching out and checking on each other online during fasting; in Muslim business owners who advocate compassion to their staff; in leaders who advocate peace and put their constituents front and center in their agenda.”

Bukod sa mga Muslim, tinawag din ni Robredo ang pansin ng publiko para sariwain ang diwa ng Eid’l Fitr kahit ano pa ang kanilang paniniwala o relihiyon.

“May we realize that the many threads of our beliefs ultimately weave into the collective fabric of Filipino identity.”

“May we all live in adherence to Eid’l Fitr’s message of inclusiveness and communal responsibility.”