Isinusulong ni VP at Education Sec. Sara Duterte ang mas mataas na pakikipagtulungan sa pagitan ng sektor ng edukasyon at industriya ng semiconductor at electronics upang magbigay ng sapat na pagkakataon para sa mga mag-aaral at patuloy na paglago para sa industriya.
Binigyang diin ni Duterte na ito ay nagpapakita ng isang mahalagang pagkakataon upang hubugin ang edukasyon ng mga mag-aaral bilang paghahanda para sa hinaharap ng industriya ng semiconductor.
Sa pamamagitan aniya ng pakikilahok sa nasabing proseso , maaari mag-ambag ang isang indibidwal sa pagtiyak na ang kurikulum ay naaayon sa mga pangangailangan at hinihingi ng industriya.
Ito ay magbibigay-daan sa mga mag-aaral na magkaroon ng mga kinakailangang kasanayan, kaalaman, at kakayahan upang maging mahusay sa sektor ng semiconductor.
Binigyang-diin din ni Duterte ang mga kontribusyon ng industriya sa ekonomiya ng Pilipinas.
Gayundin sa paglikha ng mga trabaho at pag-usbong ng mga lokal na negosyo sa parehong sektor.
Una nang sinabi ni Duterte ang higit pang mga potensyal sa loob ng parehong industriya at ang mahalagang papel ng edukasyon sa pagpapaunlad ng bansa.