CAGAYAN DE ORO CITY – Naniniwala ang political analyst na si international lawyer Antonio La Viña na hindi na magtatagal ang pagiging miyembro ni Vice President Sara ‘Inday’ Duterte na hawak rin ang pagsilbing kalihim ng Department of Education (DepEd) sa bansa.
Ito ang pananaw ang abogado kaugnay sa hayagang sigalot ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at incumbent President Ferdinand Marcos Jr kung saan nagkatawagan pa na kapwa illegal drug users.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni La Viña na malalim ang awayang-Duterte at Marcos dahil sa kanilang isyung politikal kaya magsilbing collateral damage si VP Sara.
Sinabi nito na mas personal para sa pamilyang Marcos ang mga banat ni Duterte kaya inaasahan na gagalaw ang mga tauhan ni First Lady Liza Araneta upang alisin ang bise-presidente.
Magugunitang bago lumipad si Pres. Marcos papuntang Vietnam para sa kanyang state visit ay pansin ang pang-iisnab ng first lady kay VP Sara habang nasa paanan sila ng eroplano noong nakaraang linggo.