-- Advertisements --
Inimbitahan ni Vice President Sara Duterte na bumisita sa Pilipinas si Brunei Darussalam Crown Prince Haji Al-Muhtadee Billah.
Nasa Brunei kasi si Duterte bilang president of Southeast Asian Ministers of Education Organization (SEAMEO).
Dito ay nakapulong niya ang crown prince kung saan natalakay ang matatag na ugnayan ng Pilipinas at Brunei.
Habang nasa Brunei din ay binisita ring n Bise Presidente ang ilang paaralan para obserbahan ang ilang mga magagandang ipinapatupad sa mga paaralan sa Brunei.