Binigyang diin ni Vice President Sara Duterte na ang pagbubuntis ay hindi dapat maging dahilan para sa mga teenager na huminto sa pag-aaral upang hindi sila makatapos.
Ayon kay Vice President at Department of Education Secretary Sara Duterte, ang gobyerno naman ay nagbibigay ng mga paraan upang sila ay makapagpatuloy ng kanilang pag-aaral.
Inalala din niya ang kanyang pagbisita sa Pikit National High School sa North Cotabato, kung saan 63% lamang ng mga mag-aaral ang napag-alamang pumapasok sa mga klase.
Sinabi ng kalihim ng Department of Education na marami sa mga babaeng estudyante ang nabubuntis bukod pa sa takot sa insurgency.
Dagdag dito, ang mga teenage na ina ay maaaring umanong mag-enroll sa Alternative Learning System (ALS) o kumuha ng skills training.
Noong Enero, batay sa datos ng Commission on Population and Development (POPCOM), mahigit 2,000 ang bilang ng mga nabubuntis sa mga teenager na may edad 10 hanggang 14 noong taong 2022.