-- Advertisements --

Umabot na sa 348-K ang aplikasyong prinoseso ng Commission on Elections, isang linggo makalipas ang pagbubukas ng voter registration para sa 2025 midterm elections. 

180-K sa mga ito ay babae habang 168-K naman ay mga lalaki.

Ang rehiyon ng CALABARZON ang nakapagtala ng pinakamaraming aplikasyon na umabot sa 61-K. Sinundan ito ng National Capital Region na 48-K at Central Luzon na may 38-K.

Bukod sa new registration, tumatanggap din ang Comelec ng aplikasyon para sa transfer of registration from another city or municipality, transfer of registration from overseas to local, correction of entries or change of status, at reactivation.

Ito ay magtatagal hanggang September 30, 2024 sa mga Comelec offices at ilang partner malls sa buong bansa.