-- Advertisements --
Nanawagan ang Commission on Election (COMELEC) sa mga mamamayan na samantalahin ang muling pagbubukas nila ng voters registration para sa 2022 national at local elections.
Magsisimula kasi sa Enero 20 ang voters registration at magtatapos hanggang Setyembre 30, 2021.
Maari lamang anila na magtungo ang mga botante sa kani-kanilang mga local Comelec offices mula 8 a.m hanggang 5 p.m.
Nilinaw naman nila na ang mga nakapag-rehistro noong May 2019 midterm election ay hindi na puwede mag-apply.
Bukod sa bagong botante ay nagpoproseso rin sila ng transfer of registration records, change/ correction of entries sa registration record, reactivation of registration record at reinstatement of name sa list of voters.