-- Advertisements --

Pansamantalang sinuspinde ng Commission on Elections (Comelec) ang voter registration sa mga lugar na nakalagay sa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ) hanggang hunyo 30.

Sinabi ito ni Comelec spokesperson James Jimenez kasunod nang anunsyo kamakailan ng national government hinggil sa bagong quarantine classifications sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Ayon kay Jimenez, ang voter registrations naman sa mga lugar na pasok sa ilalim ng general community quarantine, tulad ng Metro Manila, ay magpapatuloy.

Noong nakaraang buwan, sinabi ng poll body na mahigit 3 million applications ang kanilang natanggap para sa voter registration sa May 2022 national at local polls.

Base sa datos na inilabas ng poll body, natukoy na 3,483,298 voter registration applications ang naihain mula Enero 20, 2020 hanggang noong Mayo 15, 2021.

Mahigit 578,000 applications ang inihain mula Enero hanggang Marso 2020 bago pa man nagkaroon ng COVID-19 pandemic.

Ang natitirang 2,904,347 applications naman ay inihain mula noong Setyembre 2020 hanggang Mayo 2021 sa gitna ng pandemya, ayon sa Comelec.