-- Advertisements --
image 121

Inaasahan ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang labis na pag-angat sa bilang ng mga mananakay sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ngayong taon.

Ayon sa MIAA, maaring maabot nito ang hanggang sa 46% na pagtaas ng bilang ng mga pasahero o katumbas ng 45Million.

Mula ENero hanggang nitong buwan ng Setyembre, nakapagtala na ang NAIA ng domestic at international flights na hanggang 33.8million passengers. Ito ay katumbas ng 59% na pag-angat kumpara sa nakalipas nataong 2022.

Sa katunuayan, ngayon pa lamang at hindi pa natatapos ang taon ay nalagpasan na ng NAIA ang kabuuang bilang ng mga pasahero na gumamit sa NAIA nitong nakalipas na taon.

Nitong 2022 kasi ay umabot sa 30.9 million katao ang pasahero o 9 percent na mas mababa kumpara sa kabuuang naitala ng NAIA sa buong 2023.

Kampante naman ng MIAA na maabot nito ang year-end projection na hanggang sa 45million passengers o katumbas ng 275,000 flights bago matapos ang 2023.

Kapag naabot ang naturang bilang, tiyak na ring malalagpasan ng MIAA ang mga naitala nitong bilang nga mg pasahero bago pa man tumama ang pandemiyang dulot ng COVID 19.