Napanatili ng bansa ang mataas na nahuling isda, sa ilalim ng capture fisheries sa 2nd quarter ng kasalukuyang taon.
Batay sa datos na hawak ng Philippine Statistics Authority, nangunguna ang isdang tamban sa may pinakamalaking volume ng nahuling isda na umabot sa 98,302 MT, habang ang bangus ay 81,858 MT, at 79,030 MT sa tilapia.
Para sa iba pang uri ng isda na nahuli sa mga karagatang sakop ng bansa, naging mataas din ang volume ng galunggong na umabot sa 76,324 MT, gulyasan na nakapagtala ng 38,844 MT, at ang matang baka na may kabuuang 30,956 MT.
Para sa tulingan, umabot ito ng hanggang 17,232; 16,490 MT tambakol/bariles at 14,722 MT para sa pusit
Ayon sa PSA, ang fisheries production para sa ikalawang kwarter ng taon ay umabot sa 1.082Million MT.
Bagaman mataas ang naturang volume, sinabi ng PSA na mas mababa ang naitalang volume ng mga nahuling isda sa ngayong taon kumpara sa mga naitalang isda na nahuli noong ikalawang kwarter ng 2022.
Sinabi pa ng ahensya na taunan ang naitatalang pagbaba sa volume ng mga nahuhuling isda, batay na rin sa inirereport ng mga mangingisda o yaong pumapalaot sa mga karagatang sakop ng Pilipinas.