-- Advertisements --
Iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology na cleared nang muli mula sa volcanic smog o vog ang Bulkang Taal.
Ito ang inanunsyo ng naturang ahensya kasunod ng mga ipinatupad na kanselasyon ng mga klase sa iba’t-ibang mga lugar malapit sa Bulkang Taal nang dahil sa bantang hatid ng naturang vog.
Ayon kay Phivolcs director Teresito Bacolcol, sa ngayon ay very clear at malinaw nang natatanaw ang main crater ng nasabing bulkan.
Wala na rin aniyang nakikitang vog na namumuno sa ibabaw ng nasabing bulkan at mabilis ding nadidisperse ang plume nito nang dahil sa mabilis na simoy ng hangin.
Samantala, muli rin nilinaw ng ahensya na malayong makaabot sa Metro Manila ang naturang vog lalo na ngayong panahon ng hanging Amihan.