-- Advertisements --

Nakatakdang talakayin ang paglikha ng European Union military training mission para sa Ukrainian forces at ang panawagan ng ilang miyembro na visa bansa sa Russians sa isasagawang pagpupulong ng mga defense at foreign ministers ng EU sa Prague ngayong linggo.

Hindi pa malinaw kung saan isasagawa ang EU training program, at kung ano ang magiging mandato nito subalit ayon kay EU foreign policy and security chief, Josep Borrell hindi gagawin sa Ukraine kundi sa karatig na bansa.

Ang Czech na kasalukuyang humahawak ng EU’s rotating presidency ay isinusulong ang EU-wide ban sa visas para sa mga turistang Ruso na sinusuportahan naman ng Baltic countries.

Subalit ang germany at ang ibang miyembro ng estado at ni Borrell ay tinutulan ang naturang hakbang at iginiit na maaaring malabag nito ang patakaran ng EU at pagharang sa mga ruta para sa mga Russian dissidents.

Una ng nananawagan si Ukrainian President Volodomyr Zelensky sa West ngayong buwan para magpatupad ng blanket travel ban sa Russians.