-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Inihahanda na ng Provincial Explosive Ordnance Division and Canine Unit (PECU) ang disposal procedure sa natagpuang antigong bomba sa construction site ng isang bahay sa Barangay Talisay, Sorsogon City.

Ayon kay PLt. Col. Jeric Don Sadia, hepe kan Sorsogon City Police Station sa panayam ng Bombo Radyo Legazpim isang concerned citizen ang nagpaabot ng impormasyon sa kanilang himpilan hinggil sa natagpuang vintage bomb sa lugar.

Dahil dito ay agad naman na nagtungo sa lugar ang mga otoridad sa pangungunan ng PECU.

Mabilis na kinordon ang lugar ay kinuha ang vintage bomb na sa ngayon ay nasa pag-iingat na ng mga otoridad.

Nabatid na naghuhukay ang ilang construction workers ng mahukay ang naturang bomba sa ginagawang bahay na agad naman na ipinagbigay alam sa mga barangay officials, na siyang nagreport sa mga otoridad.

Ipinagpapasalamat naman ni Sadia na hindi natamaan ang naturang vintage bomb habang naghuhukay ang mga construction workers dahil malaki ang posibilidad na sumabog ito.

Kaugnay ng insidente, nagpaalala sa publiko ang hepe na agad na makipag-ugnayan sa mga otoridad kung sakaling makakita ng kaparehong mga pampasabog upang maiwasan ang anumang aksidente.