-- Advertisements --

Pinahiya ng Pilipinong boksingero na si Vincent Astrolabio si Guillermo Rigondeaux sa pagbabalik nito sa itaas ng ring.

Ito ay matapos na masungkit ni Astrolabio ang bakanteng WBC international bantamweight title sa pamamagitan ng unanimous decision upset kontra Rigondeaux sa kanilang bakbakan sa Dubai Marina ngayong araw ng Linggo.

Napuruhan ni Astrolabio ang 41-anyos na si Rigondeaux, na kakagaling lamang sa split decision loss kontra WBA world bantamweight champion John Riel Casimero noong Agosto.

Pinaulanan kasi ni Astrolabio si Rigondeaux ng mga pinakawalan nitong kanang suntok.

Ang kaparehong istilo rin ang siyang dahilan nang pagkakabagsak ng Cuban Olympian.

Tulad ng inaasahan, nagpakitang gilas si Rigondeaux pero hindi ito umubra sa Pilipinong boksingero.

Matapos ang 10 rounds ng bakbakan, binigyan ng mga hurado ng 95-94 score pabor kay Astrolabio, na mayroon na sa ngayong 17-3 record na may 12 knockouts.

Si Rigondeaux naman ay mayroon nang 20-3 record na may 13 knockouts.