-- Advertisements --

Handa si House Deputy Speaker Vilma Santos-Recto na harapin ang resulta nang pagboto niya ng pabor sa franchise renewal ng ABS-CBN.

Sa isang panayam, iginiit ni Santos-Recto na bagama’t miyembro siya ng tinatawag na “super majority” ay itinuturing naman aniya niya ang kanyang sarili bilang “independent thinker.”

Noong nakaraang linggo, 70 kongresista ang bumoto na huwag bigyan ng 25-year franchise ang ABS-CBN,.

Kabilang naman si Santos-Recto sa 11 na kongresista na nagsabi na dapat ipagkaloob ito sa naturang kompanya.

Base sa kanyang karanasan, sinabi ng kongresista na minsan na siyang natanggalan ng committee chairmanship dahil sa pagtutol sa death penalty bill noong 2017.

Gayunman, handa aniya siyang harapin ang resulta ng kanyang pagboto sa prangkisa ng ABS-CBN, sakaling magkaroon man ulit aniya ng “consequences” ulit.

Samantala, aminado si Santos-Recto na ikinagulat niya ang resulta ng botohan, lalo pa at nasagot naman aniya ng ABS-CBN ang mga elgasyon na ipinupukol sa kanila sa mga nagdaang pagdinig.