-- Advertisements --

Tiniyak ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. na walang special treatment kay Senador Ronald “Bato” dela Rosa sa gitna ng inisyung arrest warrant ng International Criminal Court (ICC) laban sa kaniya bilang “indirect co-perpetrator” sa crimes against humanity may kaugnayan sa war on drugs.

Aniya, ipatutupad nila ang batas ng walang takot o pabor.

Ipinaliwanag din ng hepe ng pambansang pulisya na pagdating sa pag-implementa ng warrants of arrest, suportado ang PNP ng law enforcement agencies kabilang na ng Department of Justice (DOJ).

Samantala, ngayong araw muling binigyang-diin ng Palasyo Malacañang partikular na ni Palace Press officer USec. Claire Castro na walang operasyon ang National Bureau of Investigation o Philippine National Police para arestuhin si Dela Rosa.