-- Advertisements --

Ibinahagi ng beteranang actress Vilma Santos ang nalalapit na pagbabalik pelikula nito.

Sa kaniyang social media ay nagbahagi ang tinaguriang Star for All Season actress ang larawan na kasama si movie director Erik Matti.

Kuwento nito na nakipagpulong na ito sa direktor at pinag-usapan ang nilulutong pelikula.

Hindi na nagbigay pa ang ibang detalye sa ginagawang pelikula.
Sa nagdaang 23 taon ay naging alkalde ang actress sa Lipa, Batangas, governor ng Batangas at naing Lipa representative.

Huling gumawa ito ng pelikula noong 2016 .

Nitong May 2022 elections ay hindi na siya tumakbo sa halalan dahil sa planong magbalik sa pelikula.