Isinusulong ni Deputy Speaker at Las Pinas Representative Camille Villar ang panukalang batas ang BPO Workers Welfare and Protection Act of 2023 na naglalayong protektahan ang mga Business Process Outsourcing workers.
Sinabi ni Rep. Villar, nakasaad sa panukala na tiyakin ang fair and kind-hearted treatment para sa lahat ng manggagawa sa outsourcing industry.
Sinabi ng Kongresista dapat pangalagaan ang ating mga kababayan partikular ang mga kabataan na nagta trabaho sa mga BPO companies nang sa gayon masiguro ang patuloy na paglago ng nasabing industriya.
Binigyang-diin ni Villar na ang kapakanan ng mga manggagawa ang pangunahing responsibilidad ng gobyerno.
Ang BPO ang isa sa mga top drivers ng ekonomiya ng bansa.
Ipinunto ng mambabatas ang kahalagahan ng BPO industry sa ekonomiya ng Pilipinas, nararapat lamang na magkaroon ng standards o polisiya upang matiyak ang kaligtasan, well-being at karapatan ng mga BPO workers na nagtatrabaho sa night shift.
Sa ilalim ng panukalang batas ang mga BPO companies ay mahigpit na ipinagbabawal na i-compell ang mga empleyado na magbayad ng company bond at magpatupad ng mga unreasonable fee na babayaran ng empleyado sa sandaling aalis na ito sa kumpanya.
Ang sinumang BPO company na mapatunayang guilty sa paglabag sa batas ay mananagot at pagmultahin ng P100,000.00 at pagkakakulong ng nasa dalawang buwan at hindi lalagpas ng mahigit isang taon.