Hinahangad ng Hanoi na pahusayin ang trade and economic relations sa Pilipinas habang dinadala nito ang mga kumpanyang Vietnamese, kabilang ang mga supplier ng bigas, kape, at iba pang mga kalakal sa Maynila.
Sinabi ng Vietnam Ministry of Industry and Trade Deputy Director General Nguyên Phúc Nam na ang Hanoi ay handang magbigay ng mga produkto na may mapagkumpitensyang presyo na tumutugon sa mga pangangailangan ng Pilipinas.
Sa kasalukuyan, ang Vietnam ay nag-e-export ng mga mobile phones, electronics, bigas, semento, kape, paminta, cashew nuts, tsinelas, frozen seafood, mga feed ng hayop, at bakal sa Pilipinas.
Ang bilateral trade sa pagitan ng dalawang estado ay umabot sa $7.8. billion noong 2022, mas mataas ng 14.7% kumpara noong 2021, kung saan ang pag-export ng Vietnam ay nasa $5.1 billion at ang pag-import ay nasa $2.7 billion.
Bukod sa kalakalan, sinabi niya na ang pamumuhunan ay isa pang “promising area” para sa dalawang estado.
Sinabi ni Nam na ang Pilipinas ay isang “highly promising market” para sa mga Vietnamese investors, partikular ang mga nasa seafood processing at agribusiness, furniture, mining, renewable energy, turismo, at sektor ng edukasyon.