-- Advertisements --
Nabili sa auction ang tinatawag na ultra-rare old school Nintendo video game sa halagang $411,278 o katumbas ng mahigit P20.6 milyon.
Ang factory-sealed copy mula sa Nintendo na “The Legend of Zelda” ay ibinigay bilang donasyon sa Goodwill sa Connecticut.
Itinuturing na ang nasabing vintage video game ay siyang pinakamahal na gamit na naibenta sa shopgoodwill.com mula ng itayo ito noong 1999.
Sumikat ang video game noong 1986.
Ilalaan ang halaga sa isang komunidad na tumutulong sa mga nawalan ng trabaho sa Stamford, Connecticut.