-- Advertisements --
Napabilang si Pasig City Mayor Vico Sotto sa TIME 100 Next 2025: Most Influential Rising Stars.
Kasama ng alkalde sa listahan si Filipino-Canadian actor Manny Jacinto.
Inilunsad noong 2019 na ang TIME100 Next list ay isang bahagi ng taunang TIME ranking ng most influential people sa mundo.
Pasok ang 36-anyos na alkalde sa Leaders Category kung saan kinilala siya dahil sa magandang pamumuno sa Pasig lalo na ang paglaban sa kurapsyon.
Habang ang 38-anyos na actor ay kabilang sa Artist category.
Nakilala ang actor sa mga pagganap sa pelikula at telebisyon maging sa ibang bansa.