DAVAO CITY – Personal na nagsumite ng kanyang counter affidavit sa Hall of Justice nitong lungsod si Vice Presidential candidate Walden Bello.
Ito ay may kaugnayan sa naunang reklamo na isinampa sa kanyang ng dating Davao City Information Officer na si Jefry Tupas.
Kung maalala, sinampahan ng 10 milyon cyber libel case si Bello dahil sa alegasyon nito na nasasangkot si Tupas sa illegal na druga.
Samantalang kahit na ideklarang persona non grata sa lungsod, pumunta pa rin ito sa Sangguniang Panlungsod (SP) building at umupo pa sa Presiding Officer’s Chair.
Sa nakaraang buwan, una ng inihain ng City Council ang persona non grata laban kay Bello dahil sa kanyang alegasyon na sentro ng drug trade ang lungsod kung saan naninirahan ang pamilyang Duterte.
Sa panayam naman kay Bello, kanyang sinabi na hinamon lang niya si Mayor Inday ng debate at ang tugon umano sa kanya ay kasong cyber libel, persona non grata, at alegasyon na siya ay isang narco politician.
Sinasabing ang pagsasampa ng kaso laban sa kanya ay isa umanong indikasyon kung papano tinatanggap ang kanyang mga kritisismo.
Maliban sa counter affidavit sa kasong Cyber libel, kumuha rin umano ng kopya si Bello ng resolution na nagdeklara sa kanya ng Persona non grata.
Samantalang sinabi naman ni Acting Mayor at Vice Mayor Baste Duterte na kahit may inihain na resolusyon ang City Council na persona non grata laban kay Bello, kailangan patas ang pagtanggap sa kanya gaya ng ibang mga tao.