-- Advertisements --

Nag-file ng petition for recount ang natalong vice-mayoral candidate ng San Lorenzo, Guimaras.

Ito ay si former Board Member Wilme Denila na tinalo ng kanyang katunggali na si incumbent Vice Mayor Jun Cordero sa lamang na dalawang boto- si Cordero ay may 6,935 samantalang si Denila ay may 6,933.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Denila, sinabi nito na layunin ng inihain niyang petisyon ay alamin ang katotohana kasunod ng alegasyon ng iregularidad noong eleksyon.

Ayon kay Denila,malaking palaisipan kung bakit napakaraming balota umano ang nirejecte ng Vote Counting Machines (VCM).

Aniya,may 16,086 na actual voters ngunit ang combined votes nilang dalawa ni Cordero ay nasa 13,868 o may deperensyang
2218, at sa nasabing bilang, 1057 ang rejected na balota at palaisipan kung saan napunta ang natitirang 1161 na mga balota.

Dagdag ni Denila, umaasa siya na pakinggan ng korte ang kanyang petition for recount at tiniyak naman na tatanggapin kun ano man ang maging resulta nito.